ang masalimuot na buhay ni chichay
<

madaming nangyari sa akin last year. around the time na usap-usapan ang concert ng eheads hanggang sa natuloy na nga siya super daming pangyayari sa masalimuot na buhay ni chichay. yon ang reason kung bakit hindi ko nagawang pumunta sa concert na matagal ko ng pinapangarap… ang soundtrack ng buhay ko.

nangyari na ang mga nangyari, di natapos ang concert, na-ospital si ely, gumaling na siya, wala na kong boypren at tapos na ang suicidal emo moments… at ngayon tuloy na ang final set concert!!! this is my chance to make things right!! bakit ko nga ba pinagpalit ang eheads dahil sa sabi ng iisang nilalang??? this is it!! at para akong mababaliw! ahahah… OA.

 

ummm… 4 ung kinds ng seating, ay free standing pala.. but anyhow..

cympre may VIP which is 5k (hanggang pangarap lang),

 

tpos may gold- 3k (mapuputulan ako ng kuryente),

 

silver 1,300 ata (kakain ako ng pawang kangkong lamang for one month),

 

tpos bronze (na kailangan na siguro ng microscope), pero 300 lang.

 

 

 

nahihiya naman ako manghingi kay mama kasi nga sa nakalipas na mga buwan, I was offered a job, I got a dog named kobe and I moved out of the condo I share with my mom and my *BEEP* brother.

mayabang ako. hindi ako humihingi ng allowance, pwera na lang kung titirik na mata ko kakakain ng oatmeal at maglalakad na ko ng ilang kilometro papunta ng school. kaya malamang pipiliin ko na lang ung kangkong for one month.

ang concert na to isn’t just a concert for me… it’s my way of doing the things i wanted to do before “those stuff that happened” last year. siyempre treat ko na rin siya sa sarili ko dahil i’ve progressed these past few months. this is my way of saying, not everything in your past was crappy… nandyan parin ang eheads, kakantahan ka nila sa march 7.

February 23rd, 2009 at 9:53 pm